Written by Gil Dela Torre |
Tuesday, 01 June 2010 10:39 |
Nahaharap sa malaking pagsubok ang mga chapters ng Kabalikat sa Baguio City. Kung matutuloy, isang malaking Operasyon ang ipagkakatiwala sa Kabalikat. Inassure ng punong tagapagtatag na susuporta ng buong lakas ang mga karatig puok kung sakaling matuloy ang malaking operasyong naturan. Siniguro ng may akda na kahit na ang mga malalayong chapters ay handang magbigay ng suporta maipagtagumpay lamang ang naturang operasyon. Hihilingin ang mga grupong may ambulansya at utility vehiclles na kakailanganin sa malaking operasyon ay itap kagaya rin ng nakaraang Centennial Celebration ang iba pang KB groups na kung saan nagailangan ng mahigit na isang libong kasapi ng Kabalikat pa sa parada. Maaaring maulit ang senaryong ito at sinisiguro ng pamunuang national na gagawing katangi tangi ang pagtitipong ito. Sa Kasalukuyan ay nire rehabilitate ang mga repeaters ng Kabalikat sa Northern Luzon kung saan gagawing magkakaroon ng mga linkages mula sa Aparri, Cagaya, Kalinga, Isabela, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan at Manila. Sa Manila ay halos may kanikanyang repeaters ang transport groups ng Kabalikat: Servanthood, Matatag, Kaagapay, Global City 500, Makati at hindi pa kasama dito ang mga karatig probinsya tulad ng Bulacan, Laguna, Batangas at Quezon na may kanya kanyang repeaters. Subalit ang Kabalikat Global Group sa Region 5 ay may katangi-tanging repeaters na nag uugnay mula sa Sta Elena, Daet, Naga, Pili, Albay at Sorsogon. Ibig sabihin, mula Camarines Norte patungong Camarines Sur, Albay at Sorsogon ay walang putol na makakapag ugnayan ang mga Kabalikat na kasapi. Ang grupong ito ay pinahintulutan ng punong tagapagtatag na makapagparami upang maipagpatuloy na mabisa paglilingkod sa Kabikulan lalo na sa ugnayan kung saan ang komunikasyon ay napakahalaga sa bawa't bayan. Sa parteng Bisaya lalo na sa Cebu, Antique, Boracay, Camiguin, Samar at Leyte ay mayroon din kanikanyang repeaters kung hindi man kasing lawak at integrated ng Kabalikat Global Group ng Region . Kagaya rin ng Kabalikat Visayas ang Kabalikat Mindanao ay di rin pahuhuli. Sa Kabuuan, ang Kabalikat sa tatlong sulok ng Pilipinas ay nakahanda sa anumang pangagailangan darating upang lubusang mapaglikuran ang sambayan. Ang paglilingkod Kabalikat maging ang iba ay salat man salapi, ang mahalaga ay ang pananagutan sa kapwa. Aanhin mo ang pera kung hindi ka maligaya? Pakatandaan, after all, MONEY HAS NEVER YET MADE ANYONE RICH. Source: http://www.kabalikatglobal.org/index.php/news/407-mga-kabalikat-sa-baguio-nakahanda-sa-napipintong-malaking-operasyon |
Thursday, July 1, 2010
Mga Kabalikat sa Baguio nakahanda na sa malaking Operasyon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment