" Sa darating pong eleksyon huwag nyo pong kalilimutang iboto............!"
" Nangangako po akong...........!"
" Ang inyo pong lingkod ay.........!"
" Vote straight..........!
Yan po ang mga katagang malapit na nating marinig sa darating na eleksyon at marami po sa ating mga Filipino ang siguradong magpapalitan ng ating mga koro-koro hinggil dito, ang iba may negatibong reaksyon at ang iba naman ay positibo ngunit mas marami pa ring nag-hahangad ng salitang PAG-BABAGO. Sa mga taong nag-hahangad ng salitang pag-babago ay masasabi kong kulang ang kahit na milyong-milyong salita lamang kung wala ang salitang kooperasyon. Bilang mga Filipino kailangan ang bawat isa sa ating mga Botante ang patisipasyon sa pamamagitan ng PAG-BOTO. Dito ay maipapakita natin na tayo ay hindi manhid at lalong hindi inutil sapagkat naipapahayag natin ang tinatawag na Demokrasya sa pamamagitan ng malayang pag-boto.
Ngayon, ano nga ba ang nararapat na ikonekta natin sa salitang PAG-BOTO? Karapatan o Obligasyon? Karamihan sa ating mga Filipino ay puro sariling kapakanan lang ang iniisip, lagi nating ipinagsasandalang tayo ay kesyo mahirap lamang, hindi nakatapos, wala tayong pakialam dahil hindi naman tayo pulitiko, gusto natin walang gulo, etc.. na kung saan ay masasabi kong mali! Sapagkat bawat isa sa atin hanggat tayo at ang ating mga pamilya ay nakikinabang at nakaapak sa lupa ng ating bansa ay may kinalaman sa bawat pag-ikot at pag-babago nito. Kung kayat tayo ang responsable sa ano mang pag-babago nito sa pag-unlad man o sa pag-lubog. Hindi po reklamo ang kailangang maging kuntribusyon natin sa ating mga kina-uukulan bagkos kooperasyon. at isa po ang kooperasyon sa PAG-BOTO! Opo ang PAG-BOTO ay isang obligasyon ng bawat isa sa atin.
Naalala ko nung mga panahon na nag-aaral ako sa isang unibersidad, may isang guro na nagtanong sa akin hinggil sa sagot ko na may kinalaman sa pulitika. Tinanaong nya ako, "Ano bang mapapala namin kung boboto kami tulad ng sinasabi mo, basta ako neutral.?" Sa harap ng mga kaklase ko nasagot ko ang titser ko na " Sir, kung lahat ng tao ay mag-iisip katulad ng iniisip mo e talagang walang mangyayari sa hinahangad nating pagbabago."
Tandaan po natin na ang pagbabago ay laging nag-uumpisa sa sarili. Kung alang-alang sa kapakanan ng nakararami at ng kinabukasan ng buong bayan bakit pa kailangan mag-dalawang isip? Kung maari po iwasan po natin ang madalas na pag sabi na tayo ay 'neutral' sapagkat ito po ay kasagutan ng mga taong umiiwas sa pagkakamali na kung saan nag-papakita ng kaduwagan "playing safe" po kumbaga. Ang pag-kakamali po ay normal sapagkat dito po tayo natututo upang maging tama ang ating susunod na desisyon. Ngunit masasabi ko rin na ang paulit-ulit na pagkakamali 'kuno' ay hindi normal bagkus ito ay kawalan ng concern sa kapwa o tamang pag-iisip. Isipin po natin na sa ating mga BOTO nakasalalay ang kapakanan natin, ng ating mga pamilya at ng mga susunod pang henerasyon. Huwag po nating sayangin at abusuhin ang karapatang ibinigay satin ng Diyos na magkaroon ng awtonomiya o pag-kakaroon ng sariling Gobyerno, matuto po tayong mamahala, makikoopera at simulan sa ating mga sarili ang tinatawag natin o ninanais na salitang "PAG-BABAGO"!
Noong nakaraang eleksyon ay masasabi ko pong nakita ko at napansin ang Kooperasyon nating mga Filipino. Maraming nag-boto ultimong yung isang taong di magamit ang kamay at paa ay nagawang mag-boto sa pamamagitan ng bibig, at ang mga naka-wheelchair ay naka-pagboto rin. Ito po ay nag-papakita lamang na karamihan sa atin ay tumutupad sa ating responsibilidad bilang responsableng mamamayan.
Sa kabuuan, ang PAG-BOTO ay Obligasyon at Karapatan na dapat nating isa-isip, isa-puso at isa-buhay bilang partisipasyon sa ating pamayanan. Ang pag-boto ay masasabi kong pag-sunod sa desisyon ng Diyos na tayo ay nararapat lamang na magkaroon ng tinatawag na GOBYERNO.
Mga kababayan, mga kapwa ko botante, lumabas po tayong lahat sa araw ng botohan at matalinong pumili ng kandidato na sa tingin natin ay karapat-dapat sa pwesto. Sa mga bumoboto, sa mga nakilahok sa eleksyon, at sa mga taong nakikisimpatsya sa halalan, Proud po ako sa inyo! Sa mga deserving at walang halong pandaraya na mahahalal Goodluck and God Bless! Asahan nyo po ang aking Kooperasyon!
Welcome "AUTOMATED ELECTION"!
By: Jayson de Lemon
KC 2239
By: Jayson de Lemon
KC 2239
0 comments:
Post a Comment